Thursday, June 18, 2015

Oh PhilSCA Dear

Unang blogpost. Para sa mga future aviators. 



PhilSCA o Philippine State College of Aeronautics ang tanging pampublikong paaralang pang-abyasyon sa Pilipinas. Mahigit kumulang limang libong estudyante ang nag-aaral dito. May limang institute ang kolehiyo, ang InET, ICS, ILAS, IGS, at PhilSCA Flying School. Tinagurian ng Professional Regulation Commission (PRC) "No. 1 Aeronautical School in the Country" ang kolehiyo dahil sa napakalaking percentage ng mga passers tuwing board examination sa pitong (7) taong sunod-sunod.


Institute of Engineering and Technology (InET). Lahat ng technical at engineering programs ng kolehiyo ang nsa ilalim ng InET. Narito ang mga sumusunod na kurso sa ilalim ng InET:

  • Bachelor of Science in Aircraft Maintenance Technology
  • Bachelor of Science in Aviation Electronics Technology
  • Bachelor of Science in Aeronautical Engineering
  • Bachelor of Science in Air Transportation major in Commercial Flying

Ang Bachelor of Science in Aircraft Maintenance Technology at Bachelor of Science in Aviation Electronics Technology ay isang ladderized course. Tatapusin mo ang unang dalawang taon bilang Associate Program, bago makapagpatuloy ng 3rd Year. Sa BSAMT, pagkatapos ng dalawang taon, kukuha ng Qualifying Examination bago ka umapak ng 3rd Year. Ayon sa isang estudyante ng BSAMT, tatlong daang (300) passers ang kinukuha para makapagpatuloy ng 3rd year. Marami din ang bumabagsak sa examination na ito at napipilitang lumipat ng pribadong kolehiyo. Dito sa PhilSCA isinasagawa ang Practical Examination para sa A&P License ng mga Aircraft Mechanics.

Bachelor of Science in Aeronautical Engineering ay ang flagship ng kolehiyong ito. Taong 2004 hanggang 2012, tinaguriang "No. 1 Aeronautical School in the Country" ng Professional Regulation Commission (PRC) ang PhilSCA dahil sa malaking percentage ng mga passers sa tuwing board exam. Nakukuha din ng PhilSCA ang topnotcher at imposibleng walang PhilSCAnian na kasama sa top 10. Ang kursong ito ay itinuring na "Quota Course" dahil sa dami ng estudyante ang gustong maging Aeronautical Engineer at upang mapanatili ang kalidad ng pagtuturo. Ang mapalad na top 160 passers sa entrance examination ang kinukuha upang makapag-enroll ng Bachelor of Science in Aeronautical Engineering. Kalimitang nagiging trabaho ng mga Aeronautical Engineers dito sa Pilipinas ay ang pagiging Safety Engineers o sa Quality Assurance ng isang Airline company.

Ang Bachelor of Science in Air Transportation ay para sa mga nagnanais na maging piloto. Apat na taon ang kursong ito. Tatlong taon na pang-akademya at isang taong flying. Gagastos ang bawat estudyante ng mahigit dalawang milyong piso upang maging isang small time pilot. Sa mga susunod na blogpost ko ipapaliwanag kung anong proseso at kung magkano ang kabuuang magagastos ng isang piloto.



PhilSCA Flying School. Dito napupunta ang mga naka-tatlong taon sa BS Air Transportation sa ilalim ng Institute of Engineering and Technology.

  • Private Pilot Course (Ground and Flight Training)
  • Commercial Pilot Training (Ground and Flight Training)
  • Multi-Engine Rating (Ground and Flight Training)

Limang (5) stages ang pagdadaanan ng isang estudyante bago maging isang ganap na piloto. Una ang pagtatapos ng isang degree, ikalawa ay ang pagpasa ng Student Pilot License (SPL) na dapat matapos ang ground schooling para makakuha nito, ikatlo ay ang Private Pilot License (PPL) na dapat matapos ang apatna pung (40) oras para makakuha nito. Ikaapat ang Commercial Pilot License (CPL) na dapat matapos ang isang daan at limampung (150) oras para makakuha nito at ang huli ay ang Instrument Rating. Hindi ko na masyadong gagawing detalyado ang part na ito dahil may makakapanayam tayo ng mga Student Pilot na galing sa iba't ibang Flying school sa mga susunod na blog post.



Institute of Computer Studies (ICS).
  • Bachelor of Science in Information Technology
  • Bachelor of Science in Information Management
  • Bachelor of Science in Computer Engineering
Hindi mawawala ng computer programs sa isang kolehiyo. Ang mga computer programs ng PhilSCA ay aviation related kaya may alam ang mga nakapagtapos sa kalakarang pang-himpapawid. Kaparehas ng BSAMT at BSAET na kailangang dumaan muna ang bawat mag-aaral sa Associate Courses bago maging Bachelor. 



Institute of Liberal Arts and Sciences (ILAS).

  • Bachelor of Arts in Aviation Tourism
  • Bachelor of Arts in Aviation Communication
  • Bachelor of Arts in Aviation Logistics
  • Bachelor of Arts in Safety and Security Management

Narito ang mga bagong programa ng ILAS. Isa sa pinakamadaming estudyante ang kumukuha ng kursong AB in Aviation Tourism at AB in Aviation Communication. Katumbas ng Tourism at Mass Communication ang mga kursong ito. Ang mga makakapagtapos ng AB in Aviation Logistics ay maaaring makapagtrabaho sa Cargo planes. Ang mga makakapagtapos naman ng AB in Safety and Security Management ay makakapagtrabaho bilang Airport Security Guard o maging Immigration Officer.


Institute of Graduate Studies (IGS).

  • Master in Public Administration Program
  • Master of Education in Aeronautical Management Program
Ang PhilSCA lamang ang tanging paaralan ang nag-ooffer ng Master of Education in Aeronautical Management sa buong Pilipinas. Isa sa mga rekisito bago maging instructor ng pampublikong paaralan ang pagkakaroon ng Masteral degree. 



Some facilities of Philippine State College of Aeronautics:


Building B


Gate 1 Entrance


Covered Court


Hangar






Reference:
Philippine State College of Aeronautics - Wikipedia
Official Website PhilSCA